Huwebes, Oktubre 1, 2015

SONA issue



Alpabetong Beki




Panimula / kaligiran

Ngayong  panahon  na  ito, mabilis ang pagbabago ng  mga Salita o Wika. katunayan,  halos sa buong pilipinas ay alam ang mga beki language lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang Beki language ay isang halimbawa ng balbal o salitang  impromal.  Ang salitang beki language ay gawa ng mga bakla sa pilipinas. ang salitang yan ay tangap na ng lipunan ngaun.

Madami  ng wika ang nag sibulan katulad nalang ng beki language  yan ay patunay na ang Wikang filipino ay isang daynamiko.Ang beki language ay isang popular na lenguahe ngayon. Ito ay ginamit ni vice president Binay sa kanyang “TSONA” at ginamit din ito ng tagapag salita ni PNOY at taga pagsalita VP BINAY. Halos karamihan din ng mga artista ay gumagamit nito katulad nalang ni vice ganda isa sya sa mga nag pasikat ng mga beki language sa bansa .



Mungkahing Titulo o Pangalan ng Gawain

“Hindi natin mapipigilan ang  pagkalat o pag laganap ng beki language o iba pang balbal na salita pabayaan nalang natin ito at gabayan ang mga bagong generation sa pag gamit nito”

Rasyunal, Mithiin at mga Layunin

Napili namin  ang Beki language na isyu ngayon sa salita dahil sa panahon ngayon laganap na ang mga salitang beki . sa tingin namin ito ay makakasira sa imahe ng mga Pilipino. Sa tingnin naming ito ay hindi dapat gamitin sa anumang Pormal na pag kakataon at sitwasyon katulad nalang sa tagapag salita ng pangulong noy noy Aquino ginamit nya ang salitang “CHOSS” sa harap ng mga media. Sa tingin namin mali yung ginawa niya kasi unang una sa lahat ang sitwasyon na yun ay isang promal at hindi dapat gamitin ang mga salitang balbal o salitang beki. Katunayan, ginamit din ito ng  tagapag salita ni VP BINAY ng salita din siya ng beki sa sitwasyiong promal lang dapat na gagamitin na salina at gindi mga impormal.

Ang mithiin ng Konseptong papel na ito ay para mabawasan o mapigilan ang pag laganap ng mga salitang balbal at isa nadun ang beki language na aming piniling isyu at sana ilugar ang pagamit nito. Kasi ang salitang ito ay puwede makisira sa imahe ng mga Pilipino kung ito ay hindi gagamitin ng tama at kung ito ay hindi ilulugar.

Disenyo ng Proyekto:Adbokasiya

Ang Lenggwaheng beki language ay gawa ng mga bakla sa ating bansa na mabilis lumaganap dito sa pilipinas. Sa tingin ko hindi na dapat tayo magulat kung ang mga nag imbento nga dumadami  o lumalaganap  ung salita pa kaya na inimbento nila.
Repleksiyon ito ng mabilis na pag kakameron ng mga makabagong ideolohiya na patuloy na lumalaganap hagang ngayun  kaya dumadami ang mga kabataan na gumagamit nito at sila ay nalilito. Sa ganitong sitwasyon mapupunan ang mga ma impluwensiyang  nagmumula sa mga nag imbento nilto.

Mula sa mga nakakaimpluwensiya sa resulta ng konseptong  papel na ito ay na napapatunayan na may mga aspeto at salik na talagang tumutulak sa mga tao na gamitin ang beki language. Maari natin maimpluwensyahan ang mga madalas nating kasama sa pang araw araw. Sa dami ng gumagamit ng beki language ngayon ay hindi malayong magpatuloy ang pagdami ng mga salitang o pag likha muli ng bagong impomal na salita sa susunod na bagong henerasyon.

Benepisyo at Inaasahang Resulta

Sa pangkalahatan, masasabi namin  na ang mga Pilipino ay likas na malikhain at mabilis maka adapt ng mga makabagong salita. Sa pag laganap nito madaming kabataan ang nag kakaisip liberal. Sa mga nakikita natin sa kasalukuyan lalo na sa pag dami ng mga wikang impormal. Dito natin makikita na gumawa sila ng mga salita kung san sila sanay o comportable. Ang pag babago bago ng wika ay hindi nanatin maalis at ito ay dadami pa sa pag dating ng araw kaya masanay nalang tayo sa mga gumagamit nito. Sa nangyayari sa ating wika patunay lang na nalipas ang panahon kasabay ang mga salitang nanguna pa sa mga makabagong salita. Patunay din ito na ang mga Pilipino ay mabilis maka adapt ng salita kayat hindi tayo nahihirapan  makibagay sa iba.